Monday, September 30, 2013

Babe, susunduin kita. Bubusina lang ako pag andiyan na.

BF: Babe, susunduin kita. Bubusina lang ako pag andiyan na.

GF: Okey, may dala kang kotse?


BF: Wala, busina lang.


Sunday, September 29, 2013

Minsan sa relasyon, tadhana mismo ang pilit na maglalayo sayo.. pero kung tayo ang paglalayuin.. ah.. hindi pwede! humawak ka sa kamay ko, tadhana lang yan. lalaban tayo!


Ang babaeng mabait, talo ng Maganda. Ang babaeng Maganda, talo ng ma-appeal. Ang babaeng Ma-appeal, talo ng Sexy. pero ang Mabait, Maganda, Sexy at Ma-appeal.. talo ng Malandi


Sana Susi na lang ako at ikaw ang padlock ko. Para pag nawala ako, mananatili kang sarado at walang ibang makakabukas sayo kundi ako


Pag may pagkukulang yung partner mo.. hindi mo kailangan maghanap agad ng atensyon sa iba. instead turuan mo sya. cheating is not an option, if you're unhappy then do something!


Hindi lahat ng bagay kailangang sabihin sayo. kaya nga may salitang makiramdam para ikaw mismo ang makaalam


Hindi importante ang sobrang daming pera... ang importante may masayang pamilya.


hindi lahat ng kumikinang ay Ginto ang totoong ginto ay hindi nakikita ng mata. Tandaan : Huwag palilinlang sa panlabas na anyo, yan ay nagbabago. Ang ugali ang pinakamahalaga, dahil ito ang sumasalamin ng iyong buong pagkatao.


Ang isang Relasyon ay hindi binubuo ng isang libong pangako o isang libong kondisyon.. ito'y pinatatatag ng dalawang klase ng tao, isang marunong magtiwala at isang marunung umunawa.


Ang kailangan mo lang naman talaga eh, yung taong pipiliin ka hanggang sa huli yung kahit maraming "mas" sayo, dika parin ipagpapalit


Wag pa-apekto sa kung anong iniisip sa'yo ng iba.. dahil may mga taong ayaw ng nakikitang masaya ka.. lalo na kung sila mismo.. ay di magtagumpay sa masamang hangarin sa kapwa.


Magkaiba ang Confident sa mayabang. Ang confident, may sense of leadership, trust and guts. Ang mayabang.. may sense of air


Kapag niloko ka na at madalas pinagmumukha kang tanga at bukod sa'yo ay meron pang iba, kahit mahal mo siya, dapat iwan na! stop torturing yourself!. wala pang medalya para sa mga tanga!


Life is like a Jeepney. That everytime a passenger drops out, all we have to do is to move-on.


Palagi mo nakikita ang mali kung ikaw ang tama pero hindi mo malalaman ang tama kung masaya mong ginagawa ang mali


Ang tunay na Mayaman ay hindi nakikita sa mga suot na magagara, mga gadget at sasakyang mamahalin, kundi nakikita ito sa pusong mapagpakumbaba, mapagmahal sa kapwa at higit sa lahat may Diyos sa kanyang puso at buhay.


Magkaiba ang too much sa too many. masamang magmahal ng too much pero mas masama namang magmahal ng too many


Ang tao kapag umaapaw ka sa pera kilalang-kilala ka. pero kapag walang-wala ka na. Deadma ka na!


Aminin mo, minsan mas madali mong sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pabirong paraan.


Kahit na madalas ang di pagkakaintindihan, kung totoo kayo sa isat-isa,Mananatili kayong magkasama kahit marami pa umeksena.


Di mo masisisi yung mga taong masyadong duda.. yung mga taong mapaghinala.. kasi sa panahon ngayon, madali naman maniwala.. ang mahirap talaga ay yung magtiwala


Hindi man ikaw ang aking Kahapon. Subalit ikaw ang aking ngayon at gusto kitang makasama bukas at sa habang panahon.


Minsan, kailangan nating tumahimik at tanggapin nagkamli tayo. It's not giving up, it's part of Growing up


Panginoon salamat po sa bawat umaga na nagsilbing bagong pag asa. lahat kayang kaharapin dahil alam naming nariyan ka para kami ay gabayan. walang suliraning d makakayang lagpasan dahil ikaw ang aming kasama... Amen


Humanap ka ng taong susuyuing ka kapag nagtatampo ka. hindi yung taong magagalit din dahil galit ka.


Ang Promises ay hindi tulad ng Candy na ipapangako mo sa bata pero hindi k naman bibili


Hindi mo kailangang makipagtalo para lang mapatunayan na matatag kang tao. minsan, kailangang manahimik hindi dahil sa takot tayo, kundi dahil, ang matitinong tao hindi papatol sa mga taong ka-lebel lang ng aso.


Sabi nila.. mahirap daw kapag Single... Bakit??? pag-taken, mayaman bah?!


Hindi naman nakakasawang magpatawad. alam mo yung nakakasawa? yung umiintindi ng paulit-ulit


Mahirap pag nakalimutan ang dapat tandaan pero mas mahirap pag lagi mong natatandaan ang dapat mo ng kalimutan


Hindi naman masama kung ilang ulit kang magmahal. piliin mo lang ay yung taong kaya kang mahalin maging sino ka man. yung taong kaya kang respetuhin at pagkatiwalaan kahit na nakatalikod o naka harap ka man. at higit sa lahat yung kaya kang ipaglaban at di ka nya iiwan kahit kaylan


Kapag naging mommy ka. walang log-out, walang pause, walang stop, walang day-off, walang sahod, at mas lalong hindi ka pweding mag-resign! dahil ang pagiging ina ay isang dakilang propesyon at pang habang buhay na kontrata


Mahalin mo siya ng walang pag-aalinlangan, nang hindi siya magdalawang isip kung dapat ka nga ba niyang ipaglaban


hindi mo naman kailangang pantayan ang pagmamahal sayo ng isang tao ang dapat mong gawin ay Patunayan at Panindigan ito


Ang taong malayo pero importante sayo ay parang Rainbow, minsan mo lang makikita pero kapag nasilayan mo, mapapangiti ka ng totoo.


malabo man o hindi ang mga mata niya.. kung nde naman ikaw ang gusto niyang makita daig niya pa ang bulag kahit nasa harapan ka pa niya


Kung tanga ang isang tulad ko dahil minahal kita... mas tanga ka kasi wala ka ng mahahanap na tulad ko


Bilang OFW, sa bawat pagtawag namin, o pakikipag-chat... sapat na sa amin ang simple ninyong pangungumusta, maiparamdam ninyo lang ang pagmamahal at pag-aalala, kapalit sa amin ay hindi matatawarang kagalakan. lahat ng pagod at kalungkutan ay isang iglap mawawala!


Ang orasan ang pinaka mapaglarong elemento sa mundo. bumabagal kapag naiinip ka at bumibilis kapag masaya ka!


Tumayo ka jan. Maligo ka. Magpabago o mag-ayos ka. mag-paganda o mag-pagwapo ka. smile lang parati. Maaring nag iisa lang sya sa mundo, pero marami pang Mas higit sa kanya.. yung taong Mas mamahalin mo dahil mas minamahal ka


Hindi nakakahiyang malaman ang totoo.. ang dapat mahiya ay yung mga taong nagsisinungaling at nanloloko!


Sana load nalang ang pagmamahal mo para pwedeng unli


Paano ko maitatago na hindi ako nasasaktan kung bawat tirada mo Puso ko ang natatamaan.


kahit saktan mo ang taong nagmamahal sayo, kahit ilang ulit mo syang itulak Palayo sayo, patuloy ka niyang mamahalin dahil kahit nasasaktan sya alam nya sayo lang siya liligaya


Minsan mas mahirap pang kalimutan ang taong hindi man naging kayo, pero minahal mo ng todo


Di lahat ng maganda ay karapat dapat hangaan.. at di lahat ng panget ay dapat pintasan. tandaan mo.. Ang kagandahan ay panlabas sa anyo lamang, ang kalooban ang ung dapat n hangaan


Sa taong tunay na nagmamahal.. ang idad ay di hadlang at antas ng buhay ay di tinitingnan. At ang kulay ng balat, ay di dahilan para sya ay mahalin. Ang nagmamahal ay ang Puso.. at di ang mata!


Ang luha parang pawis. hindi man parehong galing sa mata, pareho namang tumutulo kapag pagod ka na.


May mga taong kapag napalapit na ang loob mo saka ka iiwan.. tapos kapag nakalimutan mo na siya, saka ulit magpaparamdam


sa Panahon ngayon ang Gentleman ay Sinasayaw nalang. hindi na inuugali


Sana signal nalang ako ng Cellphone mo, para kapag nawala ako, Gumagawa ka ng paraan para bumalik ako.


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...