Showing posts with label Kalungkutan. Show all posts
Showing posts with label Kalungkutan. Show all posts

Tuesday, October 1, 2013

Masakit ang basta maiwan na lang. lalo na kung alam mong, kahit kailan di ka nagkulang!


Kaming mga OFW, mapustura at masaya sa mga larawang nakikita nyo sa FB, pero alam nyo ba ang nasa likod ng mga ngiting yan? Kalungkutan


Dapat ba na maging expressive ka sa feelings mo o mas mabuting ilihim mo nalang kahit anong piliin mo dyan sa dalawang yan dalawa din lang ang pwedeng maging resulta. extreme happiness or extreme sadness ang buhay nga naman minsan trial and error ang drama


Umayaw ako hindi dahil ayoko na. Umayaw ako para maging masaya ka


hindi naman ako manghuhula e. Sabihin mo lang kung ano nga ba talaga ako sa'yo para hindi ako yung assume ng assume


Hindi sa lahat ng pagkakataon, tamang isumbat ang mga salitang "kapag gusto may paraan, kung ayaw may dahilan" dahil may mga bagay na kahit gano mo pa kagustong gawin, wala ka tlgang magagawang paraan


Bisyo man sila sa paningin ng iba. kaibigan din naman sila sa panahong hindi na kaya.


Sunday, September 29, 2013

Mahirap pag nakalimutan ang dapat tandaan pero mas mahirap pag lagi mong natatandaan ang dapat mo ng kalimutan


malabo man o hindi ang mga mata niya.. kung nde naman ikaw ang gusto niyang makita daig niya pa ang bulag kahit nasa harapan ka pa niya


Sana load nalang ang pagmamahal mo para pwedeng unli


Paano ko maitatago na hindi ako nasasaktan kung bawat tirada mo Puso ko ang natatamaan.


Minsan mas mahirap pang kalimutan ang taong hindi man naging kayo, pero minahal mo ng todo


Ang luha parang pawis. hindi man parehong galing sa mata, pareho namang tumutulo kapag pagod ka na.


May mga taong kapag napalapit na ang loob mo saka ka iiwan.. tapos kapag nakalimutan mo na siya, saka ulit magpaparamdam


Friday, September 27, 2013

Minsan ang Pag-ibig ay parang singsing. Kapag hindi kaya ipagpipilitan pa rin at isisiksik Maipasok lang sa Daliri. Pero kapag naisip mo ng Tanggalin, Mahirap na, Hindi na matanggal at sa Dulo masasaktan ka lang


Masakit yung sabay kayo bumuo nung magandang alaala, tapos ngayon ikaw na lang ang nakaka-alaala at sya nakalimot na


Minsan, pasaway talaga ang tao, hindi mo naman inaaya, darating at sasali sa mundo mo. ang masakit, kung kelan apektado ka na sa kanya, saka pa sya aalis tangay ang mundong dating sa iyo lang


Mahirap daw magmahal ng taong iba ang gusto, pero alam ba nilang mas mahirap magmahal ng taong akala mo ikaw ang gusto.


Mas mabuti pang dahan-dahan kang masanay sa mga bagay na alam mong unti-unti ding mawawala kaysa ipilit mo pa sa sarili mo na meron pa kahit na alam mong wala na


Alam mo yung nakakatakot sa pagiging masaya ?? yung posibilidad na baka bukas, hindi na


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...