Saturday, November 23, 2013

LIHAM NI YOLANDA mahaba pero maganda to xD

LIHAM NI YOLANDA
mahaba pero maganda to xD

Dear Pilipinas,

Ako si Yolanda. Oo ako ang bagyong pumatay sa libo ninyong mga kababayan. Pasensiya na.

Marami ang nagalit sa akin dahil sa naidulot kong lakas ng hangin at pagtaas ng tubig sa kalupaan. Maliban sa buhay ng mga tao, hindi ko pinalampas ang kanilang mga pag-aari at buhay. Ako rin ang magiging dahilan ng paglamig ng inyong pasko at bagong taon. Lamig na hindi lamang dulot ng hangin kundi pati ng ala-alang hindi naisamang inanod pabalik sa dagat.

Ako si Yolanda at pinili ko ang Pilipinas hindi dahil sa kayo ay malakas. Lalong hindi rin ako binayaran ng mga politikong magnanakaw para malihis ang inyong atensiyon sa kanila. Hindi totoong nagbayad sila sa Weather Manipulation Center at nagbayad ng milyong dolyar para manalasa ako sa inyong bansa. Pinili ko kayo sa isang dahilan. Dahilan na tiyak ay hindi pa ninyo mauunawaan sa ngayon.

Gusto kong ipakita sa inyo ang kahalagahan ng pera. Alam niyo ba na sa isang iglap ay nawawala ang halaga ng pera? Oo, walang halaga ang pera. Ang pera ay papel o barya lang na pwedeng mapunit, masunog at mabasa. Abalang-abala ang karamihan sa paghahanap buhay at ang ilan, sa pagnanakaw at panloloko ng kapwa. Hindi ka bubusugin at tatanggalan ng uhaw ng pera mo. Hindi ka isasalba at ililigtas ng pera mo. Ang magliligtas sayo ay ang pakikipagkapwa mo, pagiging handa mo at pagiging masunurin mo.

Kung sumunod kayo sa sinabi ng barangay tanod niyo na lumikas na, bahay niyo lang sana ang kinuha ko at hindi kasama ang buong pamilya mo.

Kung naging handa ka at nanood ng balita at hindi ang inaabangan mong teleserye ay nakapag-imbak ka siguro ng maraming pagkain at tubig na maiinom.

Kung mabait ka sa kapwa mo, kahit nanonood ka ng teleserye ay sasabihan ka nila at kakatukin sa pagkakatulog para lang mailikas ka.

Ako si Yolanda at ang paborito kong laro ay ang Blame Game.

Si P-Noy ang may kasalanan dahil wala siyang ginawa!

Si Binay ang may kasalanan sa pagkadelay ng relief goods dahil nagpagawa pa ng plastic na may pangalan niya!

Si Mar Roxas ang may kasalanan dahil ambagal niyang kumilos!

Si Korina niloloko tayo sa imbento niyang kuwento!

Si Anderson Cooper gawa-gawa ng kwento!

Si Henares ang dahilan kung bakit nadelay ang tulong ng international community!

Si Napoles ang may kasalanan dahil ang lahat ay abala sa panonood ng trial niya at hindi tuloy nakapaghanda ang iba!

Ito talaga ang paborito kong laro. Ang sarap makita ang karamihan sa inyo na nagbabatuhan ng masasakit at mababahong pananalita. Hindi niyo alam ngayon kung sino ba ang nagsasabi ng totoo. Hindi niyo alam kung sino ang papanigan dahil ang bawat panig ay mukhang totoo ang sinasabi. Ang pangulo niyo ay napapakamot ng puyo niya sa ulo tuwing siya ang ginigisa. Hindi niya alam kung paano itatawid ang mga relief goods papunta sa mga nangangailangan. Kulang ang sasakyang pandagat, panghimpapawirin at panglupa. Pinilay ko kayo sa isang iglap upang ipamukha ang ginagawa ng mga politikong nanalo sa daya at ang mga taong binebenta ang kanilang boto.

Alalahanin ninyo ako at isulat sa libro ng history.

Dahil sa akin, marami ang tulong na dumagsa mula sa iba’t ibang bansa. Dahil sa akin, nakita ninyo kung gaano kahanda tumulong ang mga bansang inyong nakaalitan at nakatampuhan. Tuta ng kano? Magpasalamat kayo sa barko at eroplano nila. Bansa ng mga sakang? Magpasalamat kayo sa medical na tulong nila. Mga Tsekwang hilaw? Magpasalamat kayo sa daang libong dolyar na inabot nila. Mga mababahong arabo? Magpasalamat kayo sa UAE at Saudi na hindi nagdalawang isip sa pagtulong.

Marami kayong dapat ipagpasalamat lalo na kung hindi ko kayo inabot at ligtas ang inyong pamilya at kamag-anak.

Ako ang magiging taga-suri. Ako ang magpapalitaw kung sino ang mga taong may malinis, bukas at malaki ang puso at kamay. Kayo ang humusga kung kapa-imbabawan ang donation ni Kris Aquino, Angel Locsin at NBA Community. Kayo ang humusga kung pakitang tao lang ang tulong ng Vatican, Iglesia ni Cristo, Muslim, UNICEF at Redcross. Kayo na ang humusga kung pasikat lang sina Shoichi Kondoh na bata na taga-Japan, Ginggay Pajaros at Triple-S sa Bambang, si Benjie ng batang mang-inasal sa Butuan City at si Atom Araullo na hinampas at sinampal ko sa kasagsagan ng aking pagdaan.

Ako si Yolanda at dahil sa akin, magkakaisa kayo. Ang kulay ng balat, ang liit ng mata at ang tangos ng ilong ay hindi na ninyo mapapansin. Makikita niyo na kawawa ang inyong bansa dahil hindi pa ninyo kaya kung kayo lang mag-isa. Maaawa kayo sa sarili niyo at magsisikap kayo. Mataas ang pride ng Pinoy. Ang ilan, hindi matanggap ang mamalimos. May utang na loob ang Pinoy. Dekada o siglo mula ngayon, hindi niyo malilimot kung paano kayo tinulungan ng US, Britain, Australia, UNWFP, UNICEF, Japan, Canada, China, Taiwan, ASEAN, Belgium, Canada, China, Denmark, European Union, Germany, Hungary, Indonesia, Israel, Italy, Malaysia, The Netherlands, New Zealand, Norway, Russia, Saudi Arabia, Singapore, Spain, South Korea, Sweden, Switzerland, Taiwan, Turkey, United Arab Emirates, United Kingdom, Redcross, World Vision, Mercy Corps, Doctors without Borders, Vatican, Ireland, Vietnam at mga NBA Player.

Alam kong makakabangon kayo. Sa inyo nakadepende ang bilis ng inyong pagtayo. Sa inyong mga mapanuring mga mata at boses na nagkakaisa, sa konsensya ng mga politiko at businessman, sa pagtulong ng international community at higit sa lahat, sa inyong pagmamahal. Pagmamahal sa kapwa, sa paligid, sa kalayaan, sa hustisya at sa inyong Perlas ng Silanganan.

Nagmamahal,

Yolanda.

(Hindi ko po mahanap kung sino ang author nito, ngunit lubos akong nagpapasalamat dahil sa ganda ng mensaheng nilalaman nito.)

Tuesday, October 1, 2013

Masakit ang basta maiwan na lang. lalo na kung alam mong, kahit kailan di ka nagkulang!


Kung talagang mahal mo siya saan ka man magpunta, kahit nalulungkot ka hindi ka maghahanap ng iba.


Kaming mga OFW, mapustura at masaya sa mga larawang nakikita nyo sa FB, pero alam nyo ba ang nasa likod ng mga ngiting yan? Kalungkutan


Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Huwag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ka ng lungkot paminsan minsan pero ang pagiging miserable? wag kang hibang, choice mo yan - Bob ong


Kahit sa Facebook lang nabuo ang Relasyon nilang dalawa, wala parin kahit sino ang pwedeng humusga


Ang isang relasyon parang isang kaso, nagiging magulo pag di nagsasabi ng totoo


Ang pinaka magandang ganti sa mga naninira sayo, ay yung "Ngiti" na makikita nila sa mukha mo sa kabila ng mga ginagawang pang-aasar sayo!


Ang gamot sa topaking babae ay ang lambing ng isang maunawaing lalake.


Hanapin mo yung taong gagawin kang priority hindi yung gagawin ka lang temporary


Hindi ako manghihinayang sa taong ako mismo ang sinayang


Dapat ba na maging expressive ka sa feelings mo o mas mabuting ilihim mo nalang kahit anong piliin mo dyan sa dalawang yan dalawa din lang ang pwedeng maging resulta. extreme happiness or extreme sadness ang buhay nga naman minsan trial and error ang drama


Ang tsismis ay ginagawa ng mga taong galit sayo, kinakalat ng mga taong loko-loko at pinaniniwalaan ng mga taong makitid ang ulo...


Kapag tinanong ka ng Manliligaw mo kung Chocolate o Bulaklak. be practical. bigas, men. Bigas!


Umayaw ako hindi dahil ayoko na. Umayaw ako para maging masaya ka


Kung Lason lang ang Promise, Marami na siguro ang Namatay


hindi naman ako manghuhula e. Sabihin mo lang kung ano nga ba talaga ako sa'yo para hindi ako yung assume ng assume


Huwag mong husgahan ang tao base sa nakikita mong Facebook post nya, dahil ang social networking ay malayo ang pagkakaiba sa personal na buhay.


Kahit gaano kayo ka in love sa isat-isa kung parihu kayong my mga asawa. hindi nyo padin makukumpleto ang tunay na ligaya dahil my mga sabit kayo sa isat-isa


Hindi sa lahat ng pagkakataon, tamang isumbat ang mga salitang "kapag gusto may paraan, kung ayaw may dahilan" dahil may mga bagay na kahit gano mo pa kagustong gawin, wala ka tlgang magagawang paraan


Kunin mo na ang lahat sakin wag lang ang password ko. bigay ko nalang pag kasal na tayo


Hindi lahat ng minamahal dapat ipaglaban, at hindi lahat ng nagmamahal sa'yo, dapat mong saktan


Hindi batayan ang itsura pag nagmahal ka. Mas masarap mahalin yung taong hindi man pangrampa, alam mo namang mahal ka mula ulo hanggang paa.


Bisyo man sila sa paningin ng iba. kaibigan din naman sila sa panahong hindi na kaya.


Lagi mo na lang ako sinasaktan anong akala mo sa akin yakult? everyday okay?!


Hindi ako plastik. Ayaw ko lang makipagbastusan. alam mo yung maturity? try mo minsan.


Sabi nila wag daw mag-asawa ng maaga. Kaya sa gabi nalang para Bongga


Iba ang pakikisama sa pakikipagplastikan. Please lang wag mong gawin synonymous ang dalawang magkaibang salita.


Monday, September 30, 2013

Babe, susunduin kita. Bubusina lang ako pag andiyan na.

BF: Babe, susunduin kita. Bubusina lang ako pag andiyan na.

GF: Okey, may dala kang kotse?


BF: Wala, busina lang.


Sunday, September 29, 2013

Minsan sa relasyon, tadhana mismo ang pilit na maglalayo sayo.. pero kung tayo ang paglalayuin.. ah.. hindi pwede! humawak ka sa kamay ko, tadhana lang yan. lalaban tayo!


Ang babaeng mabait, talo ng Maganda. Ang babaeng Maganda, talo ng ma-appeal. Ang babaeng Ma-appeal, talo ng Sexy. pero ang Mabait, Maganda, Sexy at Ma-appeal.. talo ng Malandi


Sana Susi na lang ako at ikaw ang padlock ko. Para pag nawala ako, mananatili kang sarado at walang ibang makakabukas sayo kundi ako


Pag may pagkukulang yung partner mo.. hindi mo kailangan maghanap agad ng atensyon sa iba. instead turuan mo sya. cheating is not an option, if you're unhappy then do something!


Hindi lahat ng bagay kailangang sabihin sayo. kaya nga may salitang makiramdam para ikaw mismo ang makaalam


Hindi importante ang sobrang daming pera... ang importante may masayang pamilya.


hindi lahat ng kumikinang ay Ginto ang totoong ginto ay hindi nakikita ng mata. Tandaan : Huwag palilinlang sa panlabas na anyo, yan ay nagbabago. Ang ugali ang pinakamahalaga, dahil ito ang sumasalamin ng iyong buong pagkatao.


Ang isang Relasyon ay hindi binubuo ng isang libong pangako o isang libong kondisyon.. ito'y pinatatatag ng dalawang klase ng tao, isang marunong magtiwala at isang marunung umunawa.


Ang kailangan mo lang naman talaga eh, yung taong pipiliin ka hanggang sa huli yung kahit maraming "mas" sayo, dika parin ipagpapalit


Wag pa-apekto sa kung anong iniisip sa'yo ng iba.. dahil may mga taong ayaw ng nakikitang masaya ka.. lalo na kung sila mismo.. ay di magtagumpay sa masamang hangarin sa kapwa.


Magkaiba ang Confident sa mayabang. Ang confident, may sense of leadership, trust and guts. Ang mayabang.. may sense of air


Kapag niloko ka na at madalas pinagmumukha kang tanga at bukod sa'yo ay meron pang iba, kahit mahal mo siya, dapat iwan na! stop torturing yourself!. wala pang medalya para sa mga tanga!


Life is like a Jeepney. That everytime a passenger drops out, all we have to do is to move-on.


Palagi mo nakikita ang mali kung ikaw ang tama pero hindi mo malalaman ang tama kung masaya mong ginagawa ang mali


Ang tunay na Mayaman ay hindi nakikita sa mga suot na magagara, mga gadget at sasakyang mamahalin, kundi nakikita ito sa pusong mapagpakumbaba, mapagmahal sa kapwa at higit sa lahat may Diyos sa kanyang puso at buhay.


Magkaiba ang too much sa too many. masamang magmahal ng too much pero mas masama namang magmahal ng too many


Ang tao kapag umaapaw ka sa pera kilalang-kilala ka. pero kapag walang-wala ka na. Deadma ka na!


Aminin mo, minsan mas madali mong sabihin ang tunay mong nararamdaman sa pabirong paraan.


Kahit na madalas ang di pagkakaintindihan, kung totoo kayo sa isat-isa,Mananatili kayong magkasama kahit marami pa umeksena.


Di mo masisisi yung mga taong masyadong duda.. yung mga taong mapaghinala.. kasi sa panahon ngayon, madali naman maniwala.. ang mahirap talaga ay yung magtiwala


Hindi man ikaw ang aking Kahapon. Subalit ikaw ang aking ngayon at gusto kitang makasama bukas at sa habang panahon.


Minsan, kailangan nating tumahimik at tanggapin nagkamli tayo. It's not giving up, it's part of Growing up


Panginoon salamat po sa bawat umaga na nagsilbing bagong pag asa. lahat kayang kaharapin dahil alam naming nariyan ka para kami ay gabayan. walang suliraning d makakayang lagpasan dahil ikaw ang aming kasama... Amen


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...